Bahagyang tumaas sa 2,334 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, kahapon kumpara sa naitala ng Department of Health (DOH) na 2,320 cases noong Miyerkules.
Ito’y makaraang makapagtala ng karagdagang 182 COVID-19 cases ang DOH, kahapon.
Dahil dito, umakyat sa 3,690,889 ang total cases kabilang ang 3,628,100 recoveries habang nananatili sa 60,455 ang namamatay makaraang walang madagdag sa death toll.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinaka-mataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 1,044; Calabarzon, 394 at Central Luzon, 248.