Pumalo na sa sampung 10,087 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) .
Ito’y ayon sa PNP health service ay matapos makapagtala ng 45 bagong kaso ng virus kung saan, nanguna ang NCRPO na may 10.
Pito ang naitala sa Bangramoro Autonomous Region habang apat naman sa Ilocos Region .
Tig-tatlo ang naitalang bagong kaso ng virus sa national operation support unit Eastern Visayas, Northern Mindanao at Cordillera.
Tig-dalawa naman sa CALABARZON, Western Visayas at CARAGA habang tig isa sa national headquarters, national administrative support Unit, Cagayan Valley, Zamboanga Peninsula, Davao Region at Soccsksargen.
Mula sa kabuang bilang, 592 ang total active cases makaraang makapagtala lamang ng 28 ang bilang ng mga gumaling.
Dahilan upang umabot na sa 9,467 ang total recoveries habang nananatili pa rin sa 28 ang bilang ng mga nasawi.