Bahagyang bumaba sa 28,111 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.
Aabot sa 1,967 ang karagdagang daily COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health kaya’t lumobo na sa 3,955,758 ang total caseload.
Kabilang dito ang 3,864,605 recoveries at 63,042 deaths.
Ang mga bagong infections ay mababa sa daily average na 2,288 na naitala simula September 26 hanggang October 2.
Nangunguna pa rin sa mga rehiyong may pinaka-maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang Metro Manila, 13,855; CALABARZON, 5,650 at Central Luzon, 2,832.