Bahagya muling umakyat sa 25,684 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health ng karagdagang 2,230 Covid-19 cases kahapon dahilan naman upang sumampa na sa 3,906,629 ang total case load.
Mayroon ding naitalang 16 additional deaths kaya’t sumampa na sa 62,304 ang fatalities habang lumobo na sa 3,818,281 ang recoveries.
Samantala, halos kalahati sa mga bagong infections o 1,056 Cases ay mula sa Metro Manila.