Posibleng lumagpak sa 6,000 hanggang 7,000 ang active Covid-19 cases sa bansa pagsapit ng Disyembre 15.
Ito ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ay kung mapapanatili sa 89 percent ang kasalukuyang mobility rate at pagtalima sa minimum public health standards.
Pagsapit naman anya ng katapusan ng Nobyembre o sa susunod na linggo ay maaaring bumaba sa 12,264 hanggang 12,584 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa.
Gayunman, aminado si Vergeire na mayroon pa ring pagkakataon na bahagyang tataas ang active cases kung mag-i-increase ang mobility rate sa 95 hanggang 98 percent kaakibat ang pagbaba sa 22 hanggang 24 percent ng compliance sa public health standars.
Ganito rin ang projections ng D.O.H. para sa National Capital Region kung saan maaaring bumaba sa 2,391 hanggang 2,402 ang active cases hanggang November 30 habang 1,241 hanggang 1,355 sa December 15.
Sa ngayon ay nasa 70 percent ang mobility rate sa N.C.R. pero kung tataas ito sa 83 hanggang 88% at sasadsad sa 26 hanggang 33% ang minimum public health standards, maaaring tumaas muli ang active cases.—sa panulat ni Drew Nacino