Umakyat pa sa 10,094 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, ang pinaka-mataas na bilang ng active cases simula Abril ngayong taon.
Ito’y makaraang makapagtala ng karagdagang 7,398 COVID-19 cases simula June 27 hanggang July 3, 2022 o may daily average na 1,057 cases.
Kumpara ito sa average na 662 cases na naitala mula June 20 hanggang 26.
Sa datos ng Department of Health, aabot sa 1,188 additional COVID-19 cases ang naitala kahapon kaya’t lumobo na sa 3,709,386 ang total case load.
Nasa 3,638,690 naman ang recoveries habang nananatili sa 60,602 ang death toll.
Batay din sa datos, 497 severe at critical cases ang kasalukuyang naka-admit sa mga ospital.
Metro manila pa rin ang may pinaka-maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 5,783; sinundan ng CALABARZON, 2,263; Western Visayas, 1,014; Central Luzon, 813 at Central Visayas, 575.