Umabot na sa “All Time High” ang active COVID-19 cases sa bansa simula nang magkaroon ng pandemya.
Sa datos ng Department of Health, sumampa na sa 208,164 ang aktibong kaso makaraang madagdagan ng 32,246 cases kahapon.
Pinaka-marami o 17,902 na katumbas ng 56% ng aktibong COVID-19 cases ay mula sa Metro Manila; 6,838 o 22% sa CALABARZON at 3,268 o 10% sa Central Luzon.
Nakapagtala naman ng karagdagang 144 deaths kaya’t umakyat na sa 52, 654 ang mga namamatay, nasa 5,063 ang gumaling dahilan upang umabot na sa 2, 797, 816 ang recoveries.
Sa kabuuan, lumundag na sa 3, 058, 634 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, 11 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.