Aabot sa 88 na mga preso na lamang ang itinuturing na aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga pasilidad na hawak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni BJMP spokesperson, chief inspector Xavier Solda, karamihan sa mga preso na dinapuan ng COVID-19 ay mga gumaling na.
Mababatid na umabot sa 1,987 na mga preso ang naitala nilang nagpositibo sa virus.
Nasa 25 mga preso naman ang nasawi sa virus na pawang may mga pre-existing medical conditions na gaya ng diabetes at hypertension.
Sa panig naman ng BJMP, nakapagtala ito 1,017 na mga BJMP personnel na positibo sa virus.
Sa naturang bilang, 32 na lang ang itinuturing na aktibong kaso, habang apat ang naitalang nasawi sa COVID-19.