Muling lumampas sa apat na libo ang active COVID-19 cases sa Calabarzon.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 4,111 COVID-19 cases ang naiulat sa nasabing rehiyon matapos na makapagtala ng 344 na bagong kaso kahapon.
Pinakamarami ang naitala sa lalawigan ng Cavite na mayroong 1,500 active cases, sinundan ng Laguna na may 1, 214 cases, Batangas na may 743 cases, Quezon at Lucena na may 349 cases at Rizal na may 305 cases.
Nasa 615 naman ang bilang ng mga nakarekober habang walo ang nasawi.
Nabatid na naitala ng OCTA Research ang “very high” COVID-19 positivity rate sa Laguna na may 33.2%.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento nang nagpositbo sa COVID-19 test result.