Sumirit na sa mahigit dalawang daan ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela at Navotas.
Ayon sa Valenzuela City government, nasa 238 na ang active cases sa kanilang lungsod matapos madagdagan ng walumpung bagong kumpirmadong kaso.
Sa Navotas, nagkaroon naman ng 99 new cases kung kaya’t sumampa na sa 220 ang mga aktibong kaso sa lungsod.
Samantala, ipinasara naman ng Pateros LGU ang lahat ng mga basketball courts sa kanilang lugar makaraang umakyat sa tatlumpu’t walo (38) ang active cases sa naturang bayan.