Nagbanta ng isang linggong transport strike ang Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sakaling ayaw pa rin silang harapin ng pamahalaan para sa isang diyalogo hinggil sa public-utility vehicles (PUV) modernization.
Nanawagan si Efren De Luna, pangulong ACTO, sa tanggapan ng Pangulong Rodrigo Duterte na mamagitan na upang magkaroon sila ng diyalogo sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay De Luna, sanay makabuo sila ng solusyon kung paano magsasalubong ang modernisasyon at kabuhayan ng maliliit na operator at driver ng jeepney.
Malinaw anya sa programa ng DOTr na hindi makakasali sa kanilang programa ang mga katulad nilang maliliit.
Ang problema anya ay ang DOTr at ang LTFRB pa ang nagmamatigas na makipag-usap sa kanila.