Sumakabilang buhay na ang pangulo ng Alliance Of Concerned Transport Ogranization (ACTO) na si ka Efren De Luna sa edad na 67.
Iyan ang kinumpirma ng kapatid ni Ka Efren na si Consuela De Luna makaraang matagpuan ng kanilang 87 taong gulang na ina ang wala nang buhay na katawan ng kaniyang kapatid sa kuwarto nito, biyernes ng umaga.
Agad dinala sa ospital si Ka Efren subalit hindi na ito umabot pa ng buhay at idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Ayon kay Consuela, matinding pagod ang tinitingnang naging sanhi ng pagkasawi ni Ka Efren lalo’t marami sa mga kasamahan nitong tsuper ang hindi pa rin nakabibiyahe hanggang sa ngayon.
Kasalukuyang nakaburol ang labi ni Ka Efren sa Funeraria Samson sa Bacoor, Cavite.