Malayo sa reyalidad ang mga namumuno sa transportasyon ng bansa.
Reaksyon ito ni Efren De luna ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na obligadong magsuot ng face shield ang lahat ng sasakay sa pampublikong transportasyon.
Ayon kay De Luna, sa face mask pa lang ay hirap na ang mga mahihirap na Pilipino.
Isa anyang pagpapatunay ito na hindi pinag-aaralan ng DOTr ang kanilang mga inilalabas na panuntunan
Binira rin ni Del Luna ang anya’y pinalalabas ng DOtr na marami nang traditional jeepneys ang pinabalik sa kalsada noong general community quarantine.
Binago anya ng DOTr sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga ruta at ginawang maiklian kung saan hindi naman mapakinabangan ng mga pasahero.
Kung kailangan talaga na iyon ang mga requirements nila, dapat libre. Kung bibili ka ng individual na pambili mo na ng bigas, ibibili mo pa ng face shield, napakahirap para sa mga mahihirap na mga tao ‘yan,” ani De Luna. —sa panayam ng Ratsada Balita