Tuloy na ang actual ground work sa Abril kaugnay sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Task Force Bangon Marawi Chief Eduardo Del Rosario, batay na rin sa timetable ng gobyerno hinggil sa ikinakasang pagsasaayos sa Marawi City na sinira ng halos limang buwang bakbakan ng mga otoridad at Maute Group.
Kaugnay nito, sinabi ni Del Rosario na isasapubliko nila sa susunod na buwan ang mga tinututukan nila sa rehabilitasyon ng 250 ektaryang lupain ng Marawi City partikular ang mga may kinalaman sa bidding.