Mahalagang mapag-aralang mabuti kung magkano ang kabuuang pondo ng Philippine Health Insurace Corporation (PhilHealth) sa kasalukuyan.
Ito’y ayon kay Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon ay para matukoy kung magkano ang dapat na ibigay na subsidiya para sa PhilHealth sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Kasunod nito, iminungkahi ni Drilon ang pagbuo ng isang lupon para busisiin ang actuarial life o ang itatagal ng pondo ng ahensya na sinasabing unti-unti nang nasasaid dahil sa COVID-19 pandemic.
Kinabibilangan aniya ang lupon ng iba’t-ibang mga eksperto mula sa Government Service Insurance Corporation (GSIS) gayundin sa Social Security System (SSS) at Insurance Commission.
Suportado naman nila Senate President Vicente Tito Sotto III at Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang mungkahing ito ni Drilon para mabatid kung sapat o hindi ang P71-B ipinalalaan sa PhilHealth.