Huminge ng paumanhin ang DDB Philippines kaugnay sa paggamit ng foreign stock footage sa video ng bagong tourism slogan ng bansa na “Love the Philippines”.
Ito’y matapos punain ng isang blogger ang DDB Philippines dahil sa paggamit ng limang scene video na hindi kinunan sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, inamin ng DDB Philippines na ang paggamit ng foreign stock footage ay hindi naaangkop sa layunin ng Department of Tourism o DOT na i-promote ang bansa.
Handa namang aniyang humarap sa responsibilidad ang DDB Philippines at nilinaw na walang government funds na ginamit hinggil dito.
Samantala, ipinag-utos na ng DOT ang pag-iimbestiga sa naturang video.