Malapit nang matapos ang pagbabayad ng Agriculture Department (AD) sa unang bahagi ng hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Cagayan De Oro (CDO).
Sinabi ng AD na nasa 84 na hog raisers sa apat na barangay ng Cagayan De Oro ang nakatanggap ng bayad pinsala.
Una nang pinaglaanan ng ahensya ng pondo ang financial assistance na aabot sa P785,000.
Dahil sa tulong ng City Local Government, naibigay na ang indemnity payment sa mga magbabababoy sa iba’t ibang barangay ng CDO.