Binuksan na ng pamunuan ng Adamson University ang kanilang pasilidad para gawing vaccination site ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ayon sa pamunuan ng unibersidad, kaya nilang tumanggap ng 2,000 hanggang 3,000 doses ng bakuna na siyang inilaan para sa COVID-19 vaccination program.
Target nito na mabakunahan ang mga mag-aaral at kawani ng nasabing unibersidad at tatanggap din sila ng walk-in o iyong mga nais magpaturok kahit walang iskedyul.
Nabatid na pumayag ang Adamson University na gamitin ang kanilang pasilidad para tumulong na mapabilis ang pagbabakuna sa lungsod.
Kasalukuyang sineserbisyuhan ng bakunahan sa lungsod ng Maynila ay ang mga nasa A1 hanggang A5 priority category.