Lalo pang bumulusok sa 2,303 ang additional COVID-19 cases na naitala ng Department of Health (DOH), kahapon.
Lumobo na sa 2,792,656 ang kabuuang bilang ng kaso habang nakapagtala ng karagdagang 4,677 na bagong gumaling kaya’t umakyat na sa 2,708,466 ang total recoveries.
Sumampa naman sa 128 ang pumanaw kahapon dahilan upang lumundag na sa 43,404 ang death toll habang bumaba pa sa 40,786 ang aktibong kaso.
Samantala, walong labortoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID -19 document repository system. —sa panulat ni Drew Nacino