Matapos ang apat na sunod na araw na bahagyang pagtaas ng kaso, muling bumaba ang additional COVID-19 cases sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, umabot sa 318 ang karagdagang kaso ng COVID-19, kahapon.
Mayroon namang naitalang 255 additional recoveries at 11 deaths.
Dahil dito, sumampa na sa 2, 038, 792 ang nagkakasakit; 2, 778, 002 na ang recoveries habang 52,211 ang death toll.
Tinaya na ng DOH sa 9,579 ang aktibong kaso ng COVID-19.
Samantala, 26 na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos. —sa panulat ni Drew Nacino