Karagdagang 2,018 COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health kahapon.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mataas na daily COVID-19 cases simula noong Pebrero a – 18 kung kailan nakapagtala ng 2,232 na kaso.
Dahil sa panibagong mga kaso, sumampa na sa 13, 818 ang Active cases sa bansa kumpara sa 13,021 noong Sabado.
Lumobo naman sa 3, 718, 467 ang total case load kabilang ang 3, 644, 009 recoveries makaraang madagdagan ng 1,147 habang nasa 60, 640 na ang death toll.
Sa nakalipas na dalawang linggo, nangunguna pa rin ang National Capital Region sa mga rehiyong may pinaka-maraming infections na 8, 016 cases.
Sinundan ito ng CALABARZON, 3,536; Western Visayas, 1,535; Central Luzon, 1,444 at Central Visayas, 730 cases.