Umabot sa 5,434 ang karagdagang COVID-19 cases sa bansa kahapon, ang pinaka-mataas na bilang na naitala simula October 23.
Sa datos ng Department of Health, karamihan o 3,826 sa mga bagong kaso ay mula sa Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon kaya’t sumirit sa 29,809 ang aktibong kaso.
Nakapagtala rin ng 18 deaths kaya’t sumampa na sa 51,604 ang bilang ng namamatay.
Umakyat naman sa 2, 779, 706 ang bilang ng mga gumaling makaraang madagdagan ng 611 recoveries.
Sa kabuuan ay nasa 2, 861, 119 ang kabuuang kaso sa bansa.
Samantala, 16 na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.