Karagdagang 4,131 COVID-19 cases ang naitala sa bansa sa nakalipas na isang linggo o mula Marso a – syete hanggang a – trese.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ang daily average new cases ngayong linggo ay nasa 590 o mas mababa ng 35% kumpara sa mga kaso noong Pebrero a – bente otso hanggang Marso a – sais.
Sa mga bagong kaso, tatlo o 0.7% ang kasalukuyang may malubha at kritikal na karamdaman.
Mayroon namang naitalang 591 deaths kabilang ang 115 na namatay ngayong Marso.
Sa 3,598 ICU beds para sa mga COVID patient, 704 ang okupado habang 17.2% ng 27,021 non-ICU COVID beds ang kasalukuyan ding ginagamit.
Samantala, higit 64 million individuals o 71.71% na ng target na populasyon ang bakunado na kontra COVID-19 habang 11.1 million individuals ang nakatanggap na ng booster.