Bahagyang bumaba sa 23,347 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y makaraang makapagtala ng karagdagang 1,379 COVID-19 cases ang Department of Health (DOH) kahapon kumpara sa 1,196 noong Martes.
Dahil dito, aabot na sa 3,987,316 ang total case load kabilang ang 3.9 million recoveries at 63,625 deaths.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinaka-maraming COVID infections na 9,463 cases sa nakalipas na dalawang linggo; sinundan ng Calabarzon, 4,912 at Central Luzon, 2,666 cases.