Posibleng simulan ng bansa ang pagbabakuna ng additional doses kontra COVID-19 sa mga fully vaccinated na senior citizen at mga may comorbidities sa susunod linggo.
Sinabi ito ni vaccine Czar Carlito Galvez Jr. matapos na makuha ang biniling higit isang milyong moderna vaccine ng gobyerno.
Aniya, nakikipagtulungan na sila sa National Vaccine Operations Center o NVOC na pagsabayin na ang pagbabakuna upang tumaas sa isa punto limang milyon ang mababakunahan kontra COVID-19.
Samantala, nag-anunsyo ang Department of Health o DOH na magsisimula ang pagbibigay ng booster shots sa mga healthcare workers bukas, Nobyembre 17.—mula sa panulat ni Airiam Sancho