Hindi lamang basta regular medical mission ang isinasagawa ng SM Foundation Inc., (SMFI).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni SMFI resident physician Dra. Bless Bertos, na hindi lamang kasi nila basta ini-eksamin at tinatanong ang mga pasyente, at pagkatapos nito, bibigyan na ng reseta.
Pahayag ni Bertos, sa SMFI kasi, mayroon silang ibinibigay na Additional free services gaya ng X-ray, ECG, Ultrasound at mga libreng test para sa Sugar, Uric Acid, Cholestrerol at Hemoglobin.
Kapag available naman aniya ang iba pa nilang partners, nagbibigay din sila ng free bone density scanning.
Bago ang pandemya, ani Bertos, umaabot sa dalawa hanggang tatlo ang naisasagawa nilang medical mission ngunit ngayon kailangan aniya itong limitahan.
Sa regular medical mission kasi natin pupunta yung pasyente doon, i-eexamine mo lang..tatanungin, magreseta ka na kaagad ng gamot with SM Foundation we have additional services mayroon po tayong X-ray, ECG, mat pang-test ng sugar, cholesterol, uric acid…may hemoglobin rin and when available po yung mga partner namin mayroon kaming bone density scanning mayroon din kaming ultrasound actually we have ultrasound machine in SM Foundation at lahat ng serevices na ‘yan ay free po yon…before the pandemic nakaka-entertain kami ng 500 to 1,000 people, patients, ngayong we have to narrow down kasi we have to observe the health protocol, social distancing so nag-iinvite kami ng 200 ang dumarating 300 but namimaintain pa rin natin yung health protocol na social distancing kasi we start 8 in the morning and we end up 3pm.
— Bless Bertos, ang Resident Physician ng SMFI