Tiniyak ni ACT Teachers party-list Representative France Castro na makakatanggap ng P2-K na karagdagang honoraria ang lahat ng mga nagsilbi sa eleksyon na nag-Overtime.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Castro na nakausap niya si COMELEC commissioner Marlon Casquejo at sinabing mayroon nang budget para dito at isinasapinal na ng COMELEC ang listahan.
Mababatid na inaprubahan ng poll body ang nasabing additional honorarium para sa mga miyembro ng Electoral Board, Department of Education Supervisor officials at Support staff na nagtrabaho ng lampas sa oras.
Aminado si Castro na maliit ang nasabing dagdag-honoraria, kaya’t ihihirit nila ang Additional Service Credits.