Matapos ang malagim na pag-atake sa Brussels, Belgium ay ginamit ng award-winning British singer na si Adele ang kanyang musika para manawagan ng pagkakaisa.
Sa ginanap na concert sa London, naghandog ang singer ng isang touching rendition ng 1997 song ni Bob Dylan na ‘Make You Feel My Love’ para sa Brussels at sa mga biktima ng nasabing pag-atake.
Sa video na kinunan ng isang fan, napuno ng phone flashlights ang arena habang nagpe-perform ang singer.
Matapos ang performance ay nagpasalamat si Adele sa pakikiisa ng mga naroon sa arena at sinabing ito ang unang pagkakataon na nadala siya ng isang napakagandang momento.
“I don’t think I’ve ever actually been so moved before in my life at one of my shows, that was just so beautiful.”
“Thank you very much for doing that. Such a beautiful song. I think they heard us.” Pahayag ni Adele.
Matatandaang aabot sa 35 katao ang namatay at higit 200 ang nasugatan sa pag-atake sa isang airport at metro station sa Brussels.
Naghayag naman ng pagkalungkot at simpatiya ang ilang celebrities sa social media kaugnay sa naturang pag-atake.
Watch Here:
Video Credit: Matthew Bould/ YouTube Photo Screengrab: Adele/ Instagram