Opisyal nang pinangalanan ang British ballad singer na si Adele bilang best-selling artist ng 2015.
Inanunsyo ito ng Global music industry body IFPI na base sa worldwide sales ng recordings.
Ito ay matapos makapag-break ng records ang kantang ‘Hello’ sa latest album ni Adele na 25.
Ang ‘Hello’ din ang unang single na na-download ng higit 1 milyong beses sa Amerika sa loob lamang ng isang linggo.
Pumangalawa naman sa listahan ang isa pang British artist na si Ed Sheeran dahil sa popular na kantang ‘Thinking Out Loud’, number three si Taylor Swift na sinundan ni Justin Bieber at pasok din sa top 5 ang British boy band na One Direction.