Inanunsiyo ng Adidas company na kanila nang tinapos ang partnership sa rapper na si “Ye” o mas kilala bilang si Kanye West.
Ito’y kasunod ng kontrobersyal na kinasangkutan ng naturang rapper hinggil sa anti-semitic post o ang mga aksiyon at komento nito sa kanyang social media.
Ayon sa Global Sports Brand, hindi nila kukunsintihin ang pagiging antisemitism at hate speech ni Kanye dahil hindi umano katanggap-tanggap at nilabag nito ang kahalagahan ng kanilang kumpanya sa paggalang at pagiging patas.
Sinabi ng Adidas na may malaking epektong idudulot sa kanilang kumpaniya ang ginawa ni Kanye kung saan, posibleng bumaba ang kanilang net income at paghina sa kanilang sales.
Dahil dito, ititigil narin ng Adidas ang pakikipagsosyo kay Ye kasabay ng paghinto sa produksyon ng mga produktong may tatak na “Adidas Yeezy” maging ang pagbabayad kay Ye at sa kanyang kumpanya.