Pinatitigil ng Iran sa Amerika ang anito’y tila addiction ng super power sa mga ipinapataw na parusa laban sa islamic republic.
Inakusahan din ng Iran si US President Joe Biden sa patuloy na pagsusulong sa anito’y dead end policies ni dating US President Donald Trump.
Kasunod na rin ito ng anunsyo ng US treasury sa financial sanctions laban sa apat na Iranian intelligence operatives na inakusahang nasa likod nang pagdukot sa isang American journalist.