Sinimulan na ang adjudication process kay Lt. Colonel Jovie Espenido kasunod ng pagkasama ng pangalan niya sa drug watchlist.
Ayon kay Espenido, sinimulan nang kuhanan ng larawan ang kanyang bahay, mga kwarto, sasakyan at iba pa.
Aniya, mabuti gumulong na ang proseso at inaasahang niyang magiging mabilis ito tulad ng ipinangako ni PNP Chief General Archie Gamboa na isusumite niya ang kanilang findingd sa Pangulong Rodrigo Duterte sa March 5.
Sa huli muling binigyang diin ni Espenido na hindi siya kabilang sa anomang sindikato ng droga.