Inaprubahan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng adjusted working hours sa mga kawani ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) .
Ito’y matapos lumabas sa pag-aaral ng ahensya na mas mainam kung hindi magiging sabay ang pasok sa trabaho ng mga pampubliko at pribadong sektor.
Ang dating working hour na 8 AM – 5PM ay iniurong ng 7AM – 4PM upang maiwasang makisabay sa dagsa ng mga manggagawang pumapasok sa pribadong sektor.
Batay sa naging pahayag ni MMDA Acting Chairman, Attorney Romando Artes sa Traffic Summit sa San Juan City na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior, epektibo ang naturang resolusyon sa Lunes, Abril 15.