Inilabas na ng Malacañang ang Administrative Order Number 5 na nagtatatag sa Inter-Agency Task Force para sa pagpapatupad at pagtutok sa mga programang pang-rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng super bagyong Yolanda nuong 2013.
Sa ilalim ng nasabing kautusan, tatayong chairman ng nasabing task force ang cabinet secretary na kabibilangan naman ng mga kalihim ng DILG, DBM, HUDCC, Agriculture, NDRRMC, NHA at iba pa.
Ang task force din ang naatasang makipag-ugnayan sa mga apektadong komunidad gayundin sa mga NGO o Non Government Organizations sa pagbuo, pagpapatupad at pag-aaral hinggil sa mga programa.
Inaasahan ding makapagsusumite ng kanilang pag-uulat ang task force kay Pangulong Rodrigo Duterte kada buwan hinggil sa estado o developments ng mga ikinasang proyekto.
By Jaymark Dagala | (Ulat ni Aileen Taliping)