Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na handa ang administrasyong Duterte na tulungan ang mahahalal at mananalong bagong pangulo ng bansa sa susunod na taon.
Layunin nitong matugunan ang apat na primary concerns kabilang na dito ang pagpapalago ng ekonomiya na planong itaas sa anim na porsyento kada taon; inflation na dulot ng pandaigdigang kakulangan; hindi pagkakapantay-pantay sa gitna ng banta ng pandemya; at pagbabago ng klima na makaaapekto sa economic stability ng bansa.
Ayon kay Dominguez naglatag ang Duterte administration ng maraming bilang ng policy reforms upang itaguyod a ng business-friendly environment, kabilang na rito ang pagbabawas sa red tape; digital transformation ng public agencies; implementasyon ng national id system; infrastructure modernization; at rationalized corporate income tax and fiscal incentives policy sa pamamagitan ng corporate recovery and tax incentives for enterprises law. —sa panulat ni Angelica Doctolero