Nangako ang Pangulong Rodrigo Duterte na magdodoble-kayod ang kanyang administrasyon upang mabilis na makumpleto ang rehabilitation projects sa Marawi City.
Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Duterte matapos pangunahan ang paggunita sa ika-4 na taong anibersaryo ng paglaya ng lungsod mula sa terorismo.
Sa kanyang talumpati sa Rizal Park sa Marawi, sinabi ng punong ehekutibo na mahalagang maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente at maibangon ang siyudad mula sa matinding epekto ng giyera sa pagitan ng militar at Islamic state na nagsimula noong May 23, 2017.
Kasabay nito, pinuri naman ng pangulo ang Task Force Bangon Marawi o TFBM, mga lokal na opisyal, at iba pang mga katuwang nito sa rehabilitasyon ng naturang lungsod.