Naniniwala ang isang financial analyst na magiging maayos ang pamamalakad ng administrasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Astro Del Castillo, Managing Director ng First Grade Finance Inc. na tiwala siyang kayang solusyunan ni Marcos ang napakalaking utang ng Pilipinas sa tulong ng itinalagang Economic Managers.
Malaki naman ang tulong ng pagkakaroon ng malakas na pundasyon mula sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maipagpatuloy ang kasalukuyang reporma.