Nagwagi sa katatapos lamang na National Assembly Elections ang administrasyon ni Venezuelan President Nicolas Maduro.
Landslide ang pagkaka-panalo ng 545-member constituent assembly na papalit sa national assembly.
Ang mga bagong miyembro ng assembly ay pawang nominado ng administrasyon na nangangahulugang kontrolado na ni Maduro ang lehislatura na babalangkas ng bagong Saligang Batas ng Venezuela.
Gayunman, binatikos ng mga mamamayan ang landslide victory maging ng mga kritiko ni Maduro partikular ang Estados Unidos.
By Drew Nacino