Bahagyang bumaba ang net satisfaction ratings ng administrasyong Aquino sa ikalawang bahagi ng taong kasalukuyan.
Batay ito sa pinaka bagong survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan, nakakuha ito ng positive 35 o apat na puntos ang ibinaba mula sa 39 points noong December 2015.
Isinagawa ang survey mula Marso a-trenta hanggang Abril a-dos na binubuo naman ng may isanlibo at dalawandaang respondents.
Gayunman, sinabi ng SWS na bagama’t bumaba ang ratings ng administrasyon, nananatili pa rin itong na sa good category kumpara sa naging ratings ng administrasyong Arroyo na sumadsad sa negative nang matapos ang termino nito.
By: Jaymark Dagala