Matuloy man o hindi ang usapang pangkapayapaan, mananatiling bukas ang gobyerno sa pagtanggap sa mga miyembro ng NPA na nagnanais na sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government o DILG-OIC Secretary Eduardo Año, seryoso ang pamahalaan na matulungan ang mga NPA surrenderees na muling makapagsimula ng kanilang bagong buhay sa pamamagitan ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Kabilang aniya sa re-integration program na ito ng pamahalaan ang agarang tulong na ibibigay sa mga nagbalik-loob na NPA rebel na tulad ng mobilization expenses na nagkakahalaga ng P15,000, livelihood assistance na 50,000, skills training, shelter at legal assistance.
Hinimok naman ng kalihim ang mga pamilya at kaibigan ng mga rebelde na tulungan ang gobyerno na mapasuko ang mga ito at samantalahin ang pagkakataong magbagong buhay.