Malaki ang naitulong ng administrasyong Duterte sa turismo sa Boracay kung saan napabilang ang tourist spot sa 50 World’s Greatest Places of 2022.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista na kabilang dito ang pag-aayos ng mga kalsada at drainage system na nakatulong para mapanatili ang turismo sa nabanggit na isla.
Kaugnay nito, paunti-unti na rin aniyang bumalik ang operasyon ng mga establisyimento at dumarami na rin ang tourist arrivals.
Pinuri naman ni Bautista ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng peace and order sa Boracay.