Bukas ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na gawin nang opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa bansa.
Sinabi ito ng Pangulo kahapon sa kaniyang virtual message habang naka-isolate matapos magpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang matagumpay na pagbabakuna ng booster shot ang susi upang tuloy-tuloy na gumanda ang ekonomiya ng bansa.
Pero gagawin lamang opsyonal ang pagsusuot nito sa panahon na ligtas na talaga itong gawin.
Maliban sa pagpapaigting ng bakunahan ng booster shot sa mga kabataan, plano rin ni PBBM na ipatupad ang full implementation ng Face-to-Face classes sa mga susunod na pasukan.