Matagumpay nang nakahiram ng $2 – B o katumbas ng mahigit P 117 -B ang Pilipinas mula sa mga foreign lenders sa pamamagitan ng bond offering.
Ayon sa Bureau of Treasury, gagamitin ito para pondohan ang budget ng bansa.
Ang paglalabas ng dollar bond ang kauna-unahan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, sumunod sa 70-B yen na offer noong abril at $ 2.25 -B noong Marso.
Hahatiin ang $2-B na bond sa tatlong tranche; $ 500- M sa loob ng limang taon sa 5.17 %; $ 750 – M sa loob ng 10 at kalahating taon sa 5.609 % at $750 – M sa loob ng 25 taon sa 6.10 %