Mahalaga na ang mga ipinatatayo at ipinamamahaging pabahay ng gobyerno ay matatag anuman ang lagay ng panahon.
Ito ang iginiit ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa isinagawa nitong pag-iinspeksyon at pamamahagi ng certificates of title ng house and lot sa mga benepisyaryo sa Naic, Cavite ngayong araw
Sinabi ng pangulo na kung dati ang konsepto ng pabahay ay bahay at lupa, ngayon ay kailangan ikonsidera ang kakulangan na ng espasyo at pahirapan ng paghahanap ng lupa lalo na sa urban areas.
Dahil dito, ani ng pangulo na pinag-aaralan na ng pamahalaan na magpatayo ng mid-rise housing project o lima hanggang anim na palapag na housing buildings o kaya naman high rise buildings na.
Ayon sa punong ehekutibo, hindi lamang matatapos ang proyekto sa pagpapatayo ng mga pabahay kundi dapat maituloy ang pagsuporta sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng paglalagay din ng palengke, maliit na malls, eskwelahan at higit sa lahat lugar ng trabaho ng mga benepisyaryo.