Tiwala ang administrasyong Marcos na maibababa nito sa 9% ang antas ng kahirapan sa Pilipinas pagsapit ng taong 2028.
Ayon kay Arsenio Balisacan, kalihim ng National Economic Development Authority (NEDA), maaabot ang target kung magkakaroon ng mas maraming dekalidad ng trabaho sa bansa.
Nakikita rin ni Balicasan ang kahalagahan ng pagtugon sa social protection system, lalo’t maraming bagyo at sakuna ang tumama sa bansa.
Sa huling datos, nasa 18.1 Million (o 18.1%) ang poverty incidence sa bansa na katumbas ng 19.99 Million na mahihirap na mga Pilipino.