Posibleng ilabas na ng PNP-Internal Affairs Service sa unang linggo ng Oktubre ang hatol sa kasong adminitratibo ng mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos.
Ayon kay PNP-IAS Inspector-General, Atty. Alfegar Triambulo, itinakda na nila sa Martes, Setyembre a-19 ang pagsisimula ng summary hearing sa kaso ng 16 na Pulis Caloocan.
Pagkakataon na anya ito ng mga idinadawit na pulis na depensahan ang kanilang sarili at maghain ng ebidensya.
Labinlimang araw itong susuriin ng PNP bago ilabas ang hatol na isusumite naman kay PNP Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa at doon malalaman kung aaprubahan o ibabasura.
Nahaharap sa kasong grave misconduct, serious irregularity in the performance of duty at serious neglect of duty ang 16 na Pulis Caloocan na ang parusa ay posibleng umabot hanggang sa pagkakasibak sa serbisyo.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE