Dumating na sa Singapore ang pinaniniwalaang advance team ng North Korea para sa kauna-unahang pulong nina US President Donald Trump at North Korean supreme leader Kim Jong-Un sa Martes, Hunyo 12.
Gabi na nang dumating ang Air China Airbus 330 flight sa Changi airport habang ngayong araw inaasahang ang pagdating ni Kim sa Singapore.
Matinding seguridad ang inilatag ng singaporean police at army sa paligid ng Saint Regis Hotel kung saan inaasahang mamamalagi ang dalawang leader bago magharap sa Sentosa Island resort.
Nakatakdang talakayin sa nasabing pulong ang nuclear weapons at missile program ng NoKor na naging ugat ng tensyon sa Korean peninsula.