Nag-alok ang Philippine Olympic Committee (POC) ng advance training package para sa mga atletang Pinoy na kwalipikado sa Paris 2024 Olympics na magaganap mula July 26 hanggang August 11.
Inanunsyo ito ni POC president Abraham Tolentino na naaprubahan ng kanilang Executive Board ang naturang training sa Paris.
Aniya, sasagutin ng POC ang gastusin na aabot sa P3,900 kada araw sa mga qualified athlete.
Matatagpuan naman ang venue ng training malapit sa La Moselle sa nasabing bansa.