Haharap sa patung-patung na kaso si Peter Joemel Advincula alias Bikoy sakaling hindi mapatunayan ang lahat ng kanyang mga alegasyon.
Ayon kay Police Colonel Bernard Banac, spokesman ng Philippine National Police (PNP), uunahin nilang imbestigahan kung si advincula at ang nagpakilalang bikoy sa “Ang Tunay na Narco List” video ay iisa.
Sa ngayon aniya ay nasa custody ng PNP-CIDG si alias Bikoy.
Gayunman, hindi inaalis ni Banac ang posibilidad na ilipat nila si Bikoy sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil hawak nila si Rodel Jayme na umaming sya ang gumawa ng website kung saan unang ini upload ang ang tunay na narco list video.
Matatandaan na sa, ang tunay na narco list video ay inakusahan ni alias Bikoy sina incoming Cong. Paolo Duterte, incoming Senator Bong Go na sangkot sa sindikato ng droga.
Subalit sa pagdulog nito sa PNP, bumaliktad si Bikoy at sinabing ang Liberal Party (LP) sa pangunguna ni Senador Antonio Trillanes IV ang may pakana ng “Ang Tunay na Narco List” video.
“Maisumite niya mga ebidensya mga damit, computer at conversation sa phone lahat ng mga yan ay titingnan natin para matukoy natin na si Bikoy at Mr. Advincula ay iisang tao. Well, sa ngayon, nasa CIDG na nga ‘yun at inaasahan natin na may isusumite siya na ebidensya niya dahil kailangan patunayan niya ang mga sinabi niya hindi lang yung kahapon, maging yung unang paglabas niya sa IBP. Itong si Bikoy talagang kapag hindi niya napatunayan ang mga alegasyon na ito patung patong na kaso ang haharapin nito” Pahayag ni Col. Banac.