Nagpasok ng not guilty plea si Aegis Juris Member John Paul Solano sa mga kasong perjury at obstruction of justice kaugnay sa pagkamatay ni law student Horacio Atio Castillo the Third.
Kasunod na rin ito nang pagsalang sa arraignment ni Solano sa Manila Metropolitan Trial Branch 14 na pinamumunuan ni Judge Carolina Esguerra.
Si Solano ay una nang nagsinungaling matapos ihayag na natagpuan niya si Castillo sa Tundo, Maynila at siyang nagdala rito sa Chinese General Hospital.
Gayunman lumabas sa pagdinig ng Senado na inutusan siya ng isa sa kaniyang fraternity brothers na si Arvin Balag na magsinungaling sa insidente.